-- Advertisements --

Inamin ni Las Pinas City Rep. Cynthia Villar na ang kanyang asawang si Manny Villar ay nagbabalak nang i-“dispose” o ibenta ang PrimeWater.

Aniya, hindi na raw ito asset kundi liability na sa pamilya, at ginagamit pa umano sa pulitika laban sa kanila.

Binanggit na hindi naman daw malaki ang kita mula sa PrimeWater, kaya’t pinag-iisipan na itong bitawan.

Bilang reaksyon, nanawagan si Rep. Mark Anthony Santos ng Las Piñas sa PrimeWater na kusang mag-withdraw mula sa mga joint venture agreements (JVAs) nito sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ayon sa kanya, maraming lugar ang patuloy na nakakaranas ng inconsistent water supply, at dapat daw pairalin ang compassion at accountability.

May panawagan na rin para sa congressional review ng mga JVAs ng PrimeWater, lalo na’t may mahigit 100 kasunduan ito sa mga lokal na water districts sa buong bansa.