-- Advertisements --

Naisumite na sa Malakanyang ang resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration kaugnay ng mga reklamo laban sa Primewater.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na isang folder ang report ng LWUA na may kasamang 2 kahon ng balikbayan boxes.

Ayon kay Castro, pag-aaralan ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon para sa kapakanan ng consumers ng Primewater.

Tiniyak rin nito na pagkatapos mapag-aralan ang  report ay gagawa ang Palasyo ng ligal na aksyon na naaayon sa batas at walang masasagasaan pero para sa taumbayan.

Una nang sinabi ng LWUA na bukod sa mga rekomendasyon ay nakapaloob sa dokumento ang salaysay ng mga residenteng nakaranas ng palpak na serbisyo ng Primewater.