-- Advertisements --

Nagpatupad ng balasahan sa kaniyang gabinete si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace press officer Claire Castro, inilipat si Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao bilang bagong administrator ng Maritime Industry Authority (Marina) na may ranggong undersecretary.

Dagdag pa ni Castro na naniniwala ang Pangulo sa kakayahan ni Lacanilao para gampanan nito ang kaniyang trabaho sa MARINA.

Habang ipinalit naman sa puwesto ni Lacanilao si Naga City administrator Noreen Bernadette San Luis bilang assitant secretary.

Itinalaga naman si Jorjette Barrenechea Aquino bilang acting general manager at acting member ng board of directors ng Philippine National Railways (PNR) na pinalitan si Deovanni Miranda.