Mahigit P1 bilyong halaga ng tulong ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na matinding naapektuhan ng El Niño.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga ipinamahagi ang emergency cash assistance, family food packs, non-food items at water filtration kits. Mahigit P930 milyon dito ang inilaan sa emergency cash transfer, partikular sa mga magsasaka sa Cagayan, Isabela at Camarines Norte.
Personal namang pangangasiwaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa Cagayan ngayong weekend. Patuloy rin ang pagbabantay ng ahensya sa mahigit 6,300 lugar sa ilalim ng LAWA initiative at mahigit 9,000 site ng BINHI program, na naglalayong makatulong sa suplay ng tubig at pagpapatuloy ng pagsasaka sa gitna ng tagtuyot.
Samantala, iniulat din ng DSWD na mahigit P23 bilyon na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng UPLIFT program upang maibsan ang epekto ng nagpapatuloy na krisis sa enerhiya.















