-- Advertisements --

Inaasahang papalo sa “danger level” ang heat index sa ilang lugar sa bansa ngayong Biyernes, Nobyembre 27, ayon sa state weather bureau Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa heat index advisory na inilabas ng ahensiya nitong Huwebes, pitong lugar ang inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius pataas:

  1. Dagupan City, Pangasinan – 42°C
  2. Coron, Palawan – 43°C
  3. Puerto Princesa City, Palawan – 43°C
  4. Cuyo, Palawan – 42°C
  5. Dipolog, Zamboanga del Norte – 43°C
  6. Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42°C
  7. Butuan City, Agusan del Norte – 42°C

Ayon naman sa tala ng state weather bureau, ang heat index na pumapalo sa pagitan ng 42°C at 51°C ay itinuturing na nasa ‘danger’ level kung saan mas mataas ang tyansang makaranas ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring magdulot ng heat stroke.

Samantala, tatlong bayan sa isla ng Palawan, at isa mula sa Mindanao ang inaaasahang papalo sa danger level para sa araw ng Sabado, Nobyembre 28:

  1. Coron, Palawan – 43°C
  2. Puerto Princesa City, Palawan – 43°C
  3. Cuyo, Palawan – 42°C
  4. Dipolog, Zamboanga del Norte – 42°C

Pinapayuhan din ang publiko na ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig at ang pag-iwas sa pagbabad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, lalo na tuwing tanghali at manatili na lamang sa mga lilim na lugar na may maayos na daloy ng hangin.

Inaabisuhan din ang mga ito na magsuot ng mga light clothing maging ang paggamit ng mga sumbrero at payong sa paglabas.