Tinalakay nina Senator Robin Padilla at Senator Risa Hontiveros ang halaga ng tulong pinansyal para sa pagpapalibing na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Sa kanilang pagtalakay, tinanong ni Padilla kung magkano ang nakalaang funeral assistance para sa mga pamilyang nangangailangan.
Ayon kay Hontiveros, nakapaloob sa AICS ang funeral assistance na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P50,000 bawat indibidwal, depende sa pangangailangan.
Naitanong din ni Padilla kung ano ang maaaring gawin ng ahensya kapag hindi sapat ang P50,000 para matugunan ang gastusin sa pagpapalibing.
Paliwanag ni Hontiveros, maaaring isaalang-alang ang pagtaas sa itinakdang limitasyon kung matukoy sa social assessment ng DSWD na hindi sapat ang ₱50,000 upang matugunan ang kinakailangang gastusin.














