Pinag-aaralan ng Office of the Executive Secretary (OES) ang mga probisyon at tala ng pagpupulong ng gobyerno ng Pilipinas sa Indonesia kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso, ayon sa Malacañang nitong Martes.
Si Veloso, ang Filipinang nahatulang makulong sa abroad dahil sa drug trafficking, ay humiling na payagang makauwi upang alagaan ang kanyang matandang magulang at mga anak matapos ang 16 na taon na pagkakawalay.
Sang-ayon ang Indonesia na ilipat si Veloso sa Pilipinas kung saan siya ikukulong. Matapos ang 15 taon sa detention, na-commute ang kanyang death sentence noong 2015 sa pamamagitan ng panawagan ng mga opisyal ng Pilipinas, kabilang si yumaong Pangulong Noynoy Aquino.
Humihiling ang kanyang mga magulang na sina Cesar at Celia Veloso sa Korte Suprema na palayain siya dahil umano walang legal na basehan ang kanyang pagkakakulong sa Pilipinas. (report by Bombo Jai)
















