-- Advertisements --

Namataan ang bagyo na may international name na “Koguma” sa layong 2,735 km East Northeast of Extreme Northern Luzon, sa labas ng Philippine Area of Responsibilty.

Habang isang tropical depression ang namataan din sa layong 3,035 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, batay sa 8: OOA.M weather bulletin update ng weather state bureau ngayong Linggo, Oktubre 11, 2026.

Taglay ng Koguma ang lakas ng hanging 175 km/h at pagbugsong aabot sa 215km/h, kumikilos ito pahilagang-kanluran o Northwestward sa bilis na 20 km/h.

Samantala, ang tropical depression, ay may lakas ng hanging 45km/h at pagbugsong aabot sa 55 km/h, kumikilos ito patungong East-northeastward sa bilis na 20 km/h.