-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang pipigilan ang anumang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay PCol. Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office ng PNP, na ayaw nilang maging transhipment point ang Pilipinas.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagkakaaresto ng isang Pinoy sa Laos na nagtangkang magpasok ng 521 na kilograms ng shabu.

Tiniyak ni Co na kanilang papaigtingin ang kanilang monitoring at koordinasyon sa seaports at mga paliparan.

Mayroon silang mahigpit ng ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ilang mga ahensiya para mapigilan ang pagpasok ng anumang uri ng iligal na droga.