-- Advertisements --
Ibinahagi na ng hilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 28 sibilyan ang P9.15 milyon na naging susi para sa matagumpay nilang anti-drug operations.
Pinangunahan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez at Secretary Oscar F Valenzuela, Chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pamamahag ng cash rewards.
Isa sa mga informants ang nakatanggap ng P2-M na naging susi sa pagkakakumpiska ng mahigit 40-gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga personalidad.
Tiniyak ni Nerez na magtutuloy ang kanilang Operation: Private Eye para makatulong sa kanilang operasyon na tuluyang masawata ang iligal na droga sa bansa.















