-- Advertisements --
Mayroon ng 10 mga persons of interest (POI) ang National Bureau of Investigation (NBI) sa sangkot sa umanoy tangkang pagpuslit ng 521 kgs. ng hinihinalang methamphetamine o shabu na galing sa Laos.
Sinabi ng NBI na kanilang nakilala na ang mga POI .
Nakipag-ugnayan na rin sila sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency)at ilang ahensiya para malalimang imbestigasyon.
Tiniyak din ng NBI sa publiko na sa tulong ng PDEA at ilang mga ahensiya ay kanilang papanagutin ang mga tao na nagtangkang magpuslit ng iligal na droga sa bansa.
Magugunitang isang Filipino ang naaresto sa Laos dahil sa tinangka nitong isakay sa chartered flgiht ang ilang daang kilo ng droga na patungo umano ito sa Pilipinas.















