Nakuha na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kumpletong detalye ng Pinoy na naarsto sa paliparan ng Laos matapos na nagtangkang magpuslit ng nasa 521 kilos ng shabu sa isang private jet patungo sa Pilipinas.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na ang suspek ay isang alyas “Fajad” at naninirahan sa Marawi.
Dagdag pa nito na mayroon na silang mga ibang indibidwal na kasamahan ng suspek na nasa Pilipinas.
Nagsasagawa na sila ng case build-up ukol sa nasabing kaso kung sino ang target na pagbabagsakan ng nasabing iligal na droga.
Magugunitang tinanggihan ng piloto ng private jet ang iligal na droga kaya agad itong nagsumbong sa mga otoridad kung saan may ilang mga kasamahan na dayuhan ang suspek nitong Oktubre 1.
















