-- Advertisements --
Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na inatake ng Russia ang kanilang power plant.
Sinabi nito na isinagawa ng Russia ang pag-atake sa Kharkiv power plant ilang oras matapos na ianunsiyo ni US President Donald Trump ang pagkakaroon ng ceasefire.
Gamit ng Russia ang jet powered drones na nagkalat sa kalangitan ng Ukraine.
Dahil dito ay maraming lugar sa Kyiv ang nawalan ng suplay ng kuryente at tubig.
Malinaw aniya na hindi nakikinig si Russian President Vladimir Putin sa mga anunsiyo ni Trump.
















