Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga ipinahayag na pahayag ni Rodulfo Gracioso Jr. na naguugnay sa kaniya sa mga insidenteng sinabi niyang hindi niya ginawa, hindi kailanman nalaman, o naranasan nang personal.
Sa ginanap na press conference sa Davao City ngayong araw, binasa ng bise presidente ang kaniyang affidavit na tumutugon sa mga paratang ni Gracioso.
Sinabi rin nito na opisyal na ihahain ng kaniyang kampo ang nasabing affidavit ngayong Huwebes, Oktubre 8.
Bukod dito, nilinaw ng bise presidente na hindi siya magpaliwanag o tutugon sa mga usaping may kaugnayan sa kasalukuyang impeachment trial at sa mga akusasyong ipinupukol ng dating senado na si Antonio Trillanes IV.
Binigyang-diin ng kaniyang kampo na layunin ng kaniyang opisyal na pagtugon na linawin ang katotohanan sa harap ng mga kumakalat na alegasyon habang inihahanda ang mga kaukulang hakbang pormal sa batas.
Patuloy namang inaabangan ang pagsusumite ng affidavit ng bise presidente upang maging bahagi ng opisyal na talaan ng mga imbestigasyong isinasagawa ukol sa isyu.















