Umaasa ang Malacañang na mananatiling malusog si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya at maibahagi ang nalalaman niya tungkol sa mga umano’y krimen kaugnay ng drug war ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, nais ng mga Pilipino na bumuti ang kalusugan ni Duterte upang maharap niya ang mga paratang sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi rin ni Castro na posibleng umamin si Duterte sa mga pagdinig tungkol sa umano’y mga planong pagpatay na isinagawa sa ngalan ng kampanya kontra droga.
Kasunod ito ng desisyon ng ICC Trial Chamber III na idineklarang fit to stand trial si Duterte, matapos tanggihan ang argumento ng depensa na nakaaapekto sa kanyang memorya at cognition ang kanyang kakayahang makilahok sa paglilitis.
Nakatakdang magsimula ang trial sa Nobyembre 30 kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na isinampa laban sa dating pangulo.















