Tinanggihan ng Malacañang ang pahayag ni atty. Mans Carpio na nadadamay lamang siya sa impeachment trial ng kanyang asawang si Vice President Sara Duterte, ngunit sinabing makikiisa ito sa kanyang panalangin na lumabas ang katotohanan.
Ayon kay Palace Press Officer undersecretary Claire Castro, nais din ng mga Pilipino na mabunyag ang katotohanan.
Gayunman, binigyang-diin niyang dapat itong samahan ng pananalig sa tunay na Diyos.
Nauna nang sinabi ni Carpio na tila wala umanong makitang isyu laban sa kanyang asawa kaya siya ang nadadamay sa kontrobersiya.
Aniya, ipinagdarasal nilang matapos na ang mga usaping kinahaharap ng kanilang pamilya.
Giit naman ni Castro, walang dapat pagtakpan at walang dapat piliin sa pag-iimbestiga, kabilang ang mga kamag-anak, kaibigan at kaalyado, kung may ebidensyang mag-uugnay sa kanila sa mga anomalya.
Sa ika-37 araw ng impeachment trial, inilahad ng prosecution witness na si Atty. Alexander Cabrera ang kanyang pagsusuri na nagtaya sa umano’y unexplained wealth at hindi idineklarang mga ari-arian nina Duterte at Carpio na nagkakahalaga ng P817.87 milyon.















