-- Advertisements --
Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katolikong Pilipino na magkaisa sa pananalangin para sa mabilis at ganap na paggaling ni Pope Leo XIV na sasailalim sa operasyon sa baga.
Sa pahayag ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera, hinimok nito ang mga kapwa obispo at pari na mag-alay ng Banal na Misa para sa matagumpay na operasyon ng Santo Papa.
Hiniling din nito sa mga relihiyosong komunidad, pamilya at iba pang mananampalataya na mag-alay ng Santo Rosaryo, mga sakripisyo at gawa ng kabutihan para sa paggaling ng Santo Papa.















