-- Advertisements --

Isasagawa ng Simbahang Katolika sa bansa ang Red Wednesday bukas, Nobyembre 25.

Bahagi ito sa kampanya sa buong mundo para mamulat sa kampanya laban sa religious persecution.

Kasama rin dito ay para maipakita ang pakikiisa sa mga Kristiyano na inuusig o tinatarget dahil lamang sa kanilang paniniwala.

Nagpahayag na rin ng pakikiisa ang ilang daang mga simabahan, paaralan at church organizations sa bansa para makilahok ngayong taon.

Magsasagawa rin ng ikalawang collections sa misa bilang suporta sa mga Kristiyano na dumaranas ng religious persecution.

Nagsimula ang kampanya noong 2015 ng pailawan ng Aid to the Church in Need (ACN) ang Christ the Redeemer statue sa Brazil na kulay pula para mabigyan ng atensiyon ang panunupil sa mga Kritiyano sa Iraq.

Ang nasabing hakbang ay kumalat na rin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Taong 2017 ng unang sumali ang PIlipinas sa nasabing kampanya at noong 2020 ay pinagtibay ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang Red Wednesday bilang taunang obserbasyon sa Simbahan kung saan itinatalaga ito sa araw ng Miyerkules pagkatapos ng pagdiriwan ng Christ The King.

Ngayong taon ay magiging host ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan isasagawa ang misa dakong 5:30 ng hapon sa St. Augustine Metropolitan Cathedral.

Magsasagawa ng pagsindi ng kandila bago ang misa na pangungunahan ni Archbishop José Araneta Cabantan ng Cagayan de Oro.

Base kasi sa pagtaya ng Aid to the Church in Need (ACN na aabot sa 220 milyon na mga Kristiyano sa buong mundo ang inuusig dahil lamang sa kanilang paniniwala.