-- Advertisements --

Nakatakdang tumanggap ng ka nilang pallium o vestment mula kay Pope Leo XIV ang tatlong Filipino archbishops.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga arsobispo ay nasa St. Peter’s Baslica kung saan gaganapin ang pagtanggap ng mga ito sa darating na Hunyo 29.

Kada taon kasi ay bumabiyahe sa Vatican ang mga bagong talagang metropolitan archbishops.

Ang mga Arsobispo ay sina Albert Uy, Charlie Inzon at David William Antonio.

Ang 59-anyos na si Uy ay itinalaga bilang arsobispo ng Cebu noong Setyembre 30 habang ang 60-anyos na si Inzon na mula sa Cotabato ay itinalaga sa Cotabato noong Disyembre 8 at ang 62-anyos na si Antonio ay arsobispo ng Nueva Segovia ay itinalaga noong Enero 14, 2026.

Ang vestment ay puting tela na inilalagay ng mga arsobispo tuwing may misa.