Inanunsyo ni United States President Donald Trump ang isang bago at aniya’y makasaysayang kasunduan sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kaniyang social media post nitong Miyerkules, Nobyembre 18, sinabi ni Trump na magiging malaking pakinabang ang naturang kasunduan, partikular sa mga magsasaka at mga nasa sektor ng enerhiya ng Amerika.
Inilarawan niya itong isang “true landmark” at sinabing nagkaroon sila ni Marcos ng magandang pag-uusap tungkol sa kalakalan, pambansang seguridad, at iba pang usapin.
Pinuri rin ni Trump si Marcos, na tinawag niyang isang makapangyarihan at may mataas na integridad na lider.
Gayunman, hindi nagbigay si Trump ng karagdagang detalye tungkol sa nilalaman ng bagong trade deal sa kaniyang pahayag.















