-- Advertisements --

Gumuho ang dalawang main beam ng isang tulay na kasalukuyang ginagawa sa Gandara, Samar kahapon, Nobyembre 17, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa ahensya, bumagsak ang mga girder habang tinatanggal ang isang roller attachment.

“The DPWH assures the public that the contractor will face severe penalties if technical assessments reveal that the collapse was due to defects in construction,” ayon pa sa isang statement ng DPWH.

Tiniyak ng DPWH sa publiko na haharap sa mabibigat na parusa ang kontratista kung mapatutunayan sa isinagawang technical assessment na depekto sa konstruksyon ang sanhi ng pagbagsak ng mga girder.

Kinumpirma naman ng project contractor na walang manggagawang nasugatan sa insidente. Inako rin nito ang buong responsibilidad sa nangyari at tiniyak na walang gagastusin ang pamahalaan sa pagpapalit ng mga bumagsak na girder.