Hindi pumayag at tuluyang ibinasura ng Aeta Magbukon community sa lalawigan ng Bataan ang kasunduan para sa mining at exploration activities sa Mt. Pantingan.
Ipinag-utos ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Central Luzon noong Nobyembre 9 ang pansamantalang pagpapahinto sa lahat ng exploration activities ng Balanga Bataan Minerals Corp. (MMBC).
Ipinatupad ang kautusan sa ilalim ng Mineral Production Sharing Agreement No. 154-2000-III.
Ayon sa MGB, kasunod ito ng technical conference na isinagawa noong Oktubre 29, matapos magpahayag ng pagkabahala ang kinatawan ng Aeta community kaugnay ng proseso ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC).
Mananatili ang suspensyon hangga’t hindi nakukuha at naipapasa ng kumpanya ang kinakailangang sertipikasyon.
Samantala, nagtipon sa Sitio Kinaragan, Barangay [pangalan ng barangay], Limay, Bataan ang 198 kinatawan ng Aeta Magbukon mula sa Limay, Bagac, Mariveles, at Orion upang maghain ng resolusyong nagpapahayag ng kanilang pagtutol at pagtanggi sa pagmimina sa kanilang lupang ninuno.










