Mas lumakas pa ang bagyong Ada habang papalapit sa karagatan ng Silangan ng Eastern Visayas.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 205 kilometers ng Silangan ng Catarman, Northern Samar.
May taglay ito na lakas ng hangin ng hanggang 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa mga sumusunod na lugar: Siruma, Tinambac, Ocampo, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Sagñay, Tigaon, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan sa Camarines Sur; Catanduanes, Albay , Sorsogon; Northern Samar; Jipapad, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche sa Eastern Samar at Matuguinao, San Jose de Buan sa Samar;
Habang nakataas ang signal number 1 naman sa mga sumusunod na lugar: San Narciso, Mulanay, San Francisco, San Andres, Buenavista, Catanauan, Lopez, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo sa Quezon ; Camarines Norte; natitirang bahagi ng Camarines Sur; Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands; natitirang bahagi ng Eastern Samar; natitirag bahagi ng Samar; Biliran, Leyte, Southern Leyte;(Medellin, Daanbantayan, San Remigio, City of Bogo, Tabogon sa Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands; Dinagat Islands at Siargao, Bucas Grande Islands.
Maaring dumaan ang bagyo malapit sa Eastern Samar at Northern Samar ngayong Sabado at malapit naman sa Catanduanes mula Sabado ng gabi hanggang Linggo.
Posibleng mag-landfall ito sa bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region na magpapabago ng kaniyang direksyon.
Ibinabala ng PAGASA na makakaranas ng malakas na pag-ulan sa lugar kung saan nakataas ang tropical cyclone wind signal.
















