Pinangunahan nina Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) at Lee Jae Myung ang Philippines–Korea Business Forum na naglalayong palakasin ang ugnayang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Layunin ng forum na isulong ang Vision 2030, na nagtatakda ng target na USD 20 bilyon na bilateral trade pagsapit ng 2030.
Hangad din nitong magtatag ng mas matibay na kuneksiyon para sa pandaigdigang kalakalan at makamit ang paglago sa pamamagitan ng pagpapalalim ng estratehikong pakikipagtulungan sa mahahalagang sektor tulad ng manufacturing investment, enerhiya kabilang ang nuclear energy, at advanced infrastructure.
Ayon sa dalawang lider, mahalagang hakbang ito upang higit pang mapatatag ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at South Korea.
Pinagtibay din ng dalawang lider ang kanilang pangako na palakasin ang ugnayan at suportahan ang bawat isa.
















