-- Advertisements --

Inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa loob ng Permanent Danger Zone (PDZ) ng Kanlaon Volcano na magsagawa ng agarang evacuation matapos ang pagputok ng bulkan sa Negros Island.

Dapat manatiling lumikas ang lahat sa loob ng PDZ at nasa heightened alert ang mga nakatira sa loob ng anim na kilometro. Inutusan din ang lokal na pamahalaan na palakasin ang monitoring sa lahar at pagbaha, at ipagpatuloy ang risk communication sa mga malalayong sitios.

Nagkaroon ng moderately explosive eruption ang Kanlaon na tumagal ng dalawang minuto at nagbuga ng plume na umakyat ng 2,000 metro. Nanatili ang Alert Level 2 at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometro radius.

Iniutos rin ang agarang pagpupulong ng disaster councils, pag-activate ng emergency operations, at pag-validate ng evacuation centers pati na ang prepositioning ng relief supplies. Kasabay nito, ipinaalala ng DILG at Department of Health ang pagsunod sa health precautions sa ashfall, lalo na sa bata, nakatatanda, buntis, at may pre-existing conditions. (Report by Bombo Jai)