Pormal nang inilunsad ng Association of Southeast Asian Nations Governors and Mayors Forum ang ‘Localising ASEAN Community Vision 2045’.
Ito’y sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte, lider ng mga ‘local governments’ sa rehiyon at iba pa.
Kahapon ay ganap nang sinimulan ang ASEAN Governors and Mayors Forum 2026 at Meeting of Governors and Mayors of ASEAN Capitals 2026 sa lungsod ng Maynila.
Layon sa inilunsad na ASEAN Community Vision 2045 na mapalakas ang papel ng mga ‘local governments’ sa pangmatagalan plano ng ASEAN.
Tututukan na maisakatuparan ang mithiin ng rehiyon kasabay sa pagkakaroon ng tiyak na mga aksyon at paghahatid serbisyo sa mga siyudad, probinsya at mga lokal na gobyerno.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mahalaga ang pagtitipon upang makabuo ng mga samahan makatutulong sa mga lokal na komunidad.
Naniniwala ang alkalde na ang ASEAN ay hindi lamang pang-national level kundi may reponsibilidad din maging ang mga lokal na lider ng mga kasaping bansa.
Sa naganap na pagpupulong, nakiisa rito si Department of Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla kung saan kanyang ibinahagi ang mensahe ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.














