-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “provisional understanding” ng Pilipinas at China kaugnay ng Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal, at iginiit na hindi nito isinusuko ang soberanya ng bansa o ginagantimpalaan ang coercive actions ng Beijing sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA maritime affairs spokesperson Rogelio Villanueva Jr., layunin ng kasunduan na maiwasan ang misunderstanding at miscalculation sa mga resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre. Hindi rin umano kailangan ng pahintulot ng China upang maisagawa ang mga misyon.

Simula nang maabot ang kasunduan noong 2024, nakapagsagawa na ang Pilipinas ng 13 routine resupply missions nang walang naitalang insidente. Inaasahan ng DFA na susundin din ng China ang napagkasunduan upang matiyak ang kaligtasan ng mga tropang Pilipino sa lugar. (report by Bombo Jai)