Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalo si US President Donald Trump sa Association of Southeast Asian Nations (Asean)-US Special Summit sa darating na Nobyembre 17.
Ang tatlong araw na pagtitipon mula Nobyembre 15 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ay magdadala sa mga Southeast Asian leaders at dialogue partners para talakayain ang regional at global challenges.
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang summit na magbubukas sa araw ng Linggo at dito ay pag-uusapan ang Asean priorities kabilang ang sitwasyon sa Myanmar.
Magpupulong din ang mga Asean leaders kasama ang mga mambabatas, business representatives at youth groups bilang bahagi ng summits.
Inaasahan na dadalo ang mga lider ng Vietnam, Cambodia, Brunei, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Timor-Leste.
Habang ang Myanmar ay kakatawanin ng director general ng Asean Affairs Department ng kanilang Foreign Ministry.
Makikilahok bilang Guest of the Chair ang mga lider ng Brazil at Canada kasama ang kanilang mga kinatawan sa International Monetary Fund.
Magsisimula ang summits sa mga ASEAN dialogue partners sa Nobyembre 16 at magpapatuloy ito ng hanggang Nobyembre 17 kasama ang Australia, China, India, Japan, New Zealand, South Korea, Russia, United Nations at United States.
Ayon pa sa DFA na ang nasabing pagtitipon ay magbibigay ng pagkakataon para muling humigpit ang kasalukuyang parnerships at advance cooperation sa pinagkaisang regional at global priorities sa Asean’ dialogue partners.
Ipapadala naman ng New Zealand ang kanilang deputy prime minister at foreign minister habang ang Russia ay ipapadala ang kanilang foreign minister.
Sa Nobyembre 17 ay pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 29th Asean Plus Three Summit at ang 21st East Asia Summit kung saan tatalakayin ang strategic, political at economic issues.
Magtatapos ang pagtitipon sa pamamagitan ng turnover ng Asean chairmanship sa Singapore at susundan ng Asean-US Special Summit na dadaluhan ni Trump.














