Bahagyang bumilis ang galaw ng bagyong Wilma habang tinatawid nito ang Samar ngayong Linggo ng umaga, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa ibabaw ng Calbayog City, ayon sa state weather bureau.
Kumikilos ang bagyo patungong kanluran timog-kanluran sa 15 km/h. Inaasahang tatawirin nito ang Southern Luzon at Visayas sa maghapon bago tuluyang lumabas sa Sulu Sea.
Posible rin na dumaan ito sa hilagang Palawan pagsapit ng Lunes.
Nananatili parin ang ilang lugar sa Tropical Cyclone Wind Signal No.1, kung saan inaasahan na magdudulot ito ng kaunting epekto dahil sa malakas na hangin.
Habang nagbabala naman ang PAGASA na kahit sa mga probinsyang wala sa ilalim ng wind signal, magdudulot ang Amihan ng malakas na bugso hangin sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Zamboanga Peninsula ngayong Linggo.
Samantala, mananatili naman ang bagyong Wilma sa tropical depression category habang naglalakbay sa lupa ngunit posibleng humina ito nang mas maaga at maging low-pressure area dahil sa epekto ng Amihan.
















