-- Advertisements --

Dumipensa si Senator Jinggoy Estrada noong Sabado tungkol sa kanyang kamakailang pahayag sa romantic relationships ni Elizabeth Means, isang Amerikanang basketball player, at sinabi niyang ito ay friendly banter lamang kasama si Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang nag-ugat ang isyu ng mag-komento si Estrada sa pagdinig ni Means sa Committee on Justice and Human Rights noong Marso 3, na tumalakay sa kanyang aplikasyon para sa naturalization kung saan tinanong niya si Means kung may Filipinong kasintahan ito.

Agad, itong umani ng pambabatikos online na tila hindi rin nagustuhan ni ML Party-List Rep. Leila De Lima at tinawag ang pansin ng Senador.

Si Means ay nag-aapply ng Philippine citizenship bilang bahagi ng kanyang plano na kumatawan sa bansa sa international basketball competitions, kabilang ang 2028 Olympics, at isa ring prospect ng Gilas Pilipinas Women’s 3×3 team.

Ayon kay Estrada, naisip niya ang tanong matapos banggitin ni Maodo “Malick” Diouf, isa ring basketball player at kandidato sa naturalization, na may Filipinang kasintahan.

Ani Estrada, bahagi ito ng pagsusuri ng Committee on Justice and Human Rights upang matukoy kung tunay ang layunin ng aplikante na manirahan at bumuo ng pamilya sa Pilipinas, bilang bahagi raw ng proseso ng naturalization.

“Part of the Committee’s responsibility is to understand whether applicants intend to truly make the Philippines their home—whether by settling here permanently or establishing a family in the future.”