-- Advertisements --

Ilang Senador ang nagpahayag ng kagustuhang ipaubaya sa Supreme Court ang pagresolba sa usapin ng voting threshold para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Itinaas ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang tanong kung paano maisasagawa ang 16-vote requirement kung may mga Senador na hindi nakadadalo sa paglilitis.

Sa kasalukuyan, apat na senador ang hindi regular na nakikilahok sa proceedings—sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakakulong, Ronald “Bato” dela Rosa na hinahanap sa bisa ng arrest warrant, at Loren Legarda na nasa abroad dahil sa health concerns.

Sinabi ni Sen. Jv Ejercito na mas nais niyang maresolba ito ng SC upang Hindi na mahirapan ang impeachment court, habang si Sen. Raffy Tulfo ay nagpahayag din ng kagustuhang ipaakyat na sa SC ang usapin para magkaroon ng pinal na linaw.

Samantala, hindi muna nagbigay ng sariling posisyon si Senate President Win Gatchalian at hinintay ang magiging diskusyon kasama ang mga Amici Curiae o mga eksperto na inimbitahan ng impeachment court.

Nakatakda silang dinggin sa Setyembre 16, bago ang oral arguments ng prosecution at depensa sa Setyembre 23, kung kailan inaasahang boboto rin ang impeachment court sa usapin.

Nilinaw naman ni Sen Erwin Tulfo na hindi niya layuning ibaba ang 16-vote threshold, kundi magkaroon ng malinaw na interpretasyon kung sino ang kabilang sa “All members of the senate” na tinutukoy sa konstitusyon.