-- Advertisements --

Kumpirmadong sugatan ang isang Pilipino sa naiulat na salpukan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo sa Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28.

Ayon iyan sa pahayag na inilabas ng Philippine Embassy sa Madrid, Spain nitong Miyerkules makaraan ang ilang oras matapos ang insidente.

“As of this time, we have verified information of one (1) Filipino national who sustained a minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad ng embahada.

Dagdag pa nito, kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga awtoridad at train operators para kumpirmahin kung may iba pa bang Pilipino na apektado sa nasabing trahedya.

“Following the train collision near Urda, Toledo on Oct. 28, 2026, the Philippine Embassy in Spain requests the public to report any information regarding Filipino nationals who may have been involved in the incident. The information collected will be used strictly to coordinate with local Spanish authorities and provide immediate assistance,” ayon pa rito.

Samantala, 68 na ang bilang ng mga nasawi sa insidente habang mahigit 100 naman ang sugatan sa kabuuan.

Ito rin ang ikatlong train crash na naitala ngayong taon sa Spain.