-- Advertisements --

Patay ang nasa 64 katao matapos ang banggaan ng dalawang high-speed train sa Spain.

Nangyari ang insidente sa may Castilla-La Mancha kung saan mayroong mahigit 100 katao rin ang sugatan.

Ang mga train ay may sakay na mahigit na 100 pasahero ng maganap ang aksidente.

Gumamit pa ng helicopter ang mga otoridad para dalhin sa mga pagamutan ang mga sugatang pasahero.

Nanawagan naman si Castilla-La Mancha president Emiliano García-Page sa publiko ng pag-donate ng dugo dahil sa malagim na aksidente.

Nagpaabot na ng pagdarasal ang mga lider ng Europa na pinangunahan ng Royal Family ng Spain.

Habang nakatakda naman bumisita si Spain Prime Minister Pedro Sánchez sa nasabing lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.