-- Advertisements --

Nagpatupad ng sanctions ang FIFA sa ilang manlalaro ng Argentina mataposang pagkatalo nito sa Spain noong nakaraang buwang na World Cup.

Pinatawan ng FIFA Disciplinary Committee ng 10-larong suspension ang midfielder ng Argentina na si Leandro Paredes.

Bukod pa dito ay pinagbabayad pa siya ng $90,000 matapos ang pag-enganyo ng kaguluhan matapos ang panalo ng Spain sa score na 1-0 sa finals noong Hulyo 19 sa MetLife Stadium sa New Jersey.

Kasamang pinatawan ng parusa ang team mates nito na sina Nahuel Molina ng pitong larong suspensiyon at pagbabayad ng $90,000 na multa at Thiago Almada na sinuspendi ng isang laro at pagbabayad ng $30,000.

Habang ang team official na si Roberto Ayala ay suspendido ng tatlong matches at $30,000 na multa at pinatawan ng isang laro na suspensiyon at $30,000 ang midfielder ng Spain na si Gavi.

Umaabot naman sa $321,000 na multa ang ipinataw ng FIFA sa Argentinian Football Association dahil sa iba’t-ibang paglabag gaya ng paggamit ng sports event para sa pagpapahayag ng saloobin na walang kinalaman sa sports; team misconduct at discriminatory chants at gestures sa kanilang mga supporters.

Inatasan din ang Argentina na i-invest ang $100,000 sa kanilang multa para sa planong paglaban sa diskriminasyon.

Dapat rin aniya na maglaro ang Argentina ng kanilang dalawang home matches na limitado sa 50 porsyento lamang ang bilang ng mga manonood sa kapasidad ng venue.