-- Advertisements --
Binigyang-diin ni senator-judge Panfilo “Ping” Lacson na hindi itinuturing na ganap na katotohanan o ‘gospel truth’ ng mga senador ang findings ni financial analyst Atty. Alexander Cabrera sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lacson, bukas ang mga senator-judges sa mga kontra-argumento ng depensa na maaaring magpahina sa opinyon, testimonya at kredibilidad ni Cabrera sa cross-examination.
Sinang-ayunan ito ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, na nagsabing hindi conclusive o binding ang testimonya ng expert witness.
Alinsunod sa rules ng impeachment court, nasa pagpapasya ng mga senator-judges ang pagtimbang sa bigat ng opinyon at ebidensyang inihaharap sa paglilitis.















