Hinimok ni Palace Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang publiko na samahan si Atty. Mans Carpio sa pagdarasal upang lumabas ang katotohanan sa gitna ng mga isyung kinahaharap ng kaniyang asawa na si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Castro, walang pinipili ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-iimbestiga sa mga anomalya.
Aniya, kahit kamag-anak, kaibigan o kaalyado, dapat imbestigahan kung may ebidensiyang nag-uugnay sa kanila sa anumang iregularidad.
Dagdag pa niya, kung walang ebidensiya laban sa mga nadadamay, may pagkakataon silang linisin ang kanilang pangalan.
Pahayag ito ni Castro kasunod ng sinabi ni Man Carpio na siya ay collateral damage sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
“Well tulungan natin si Mans Carpio na magdasal yan ang gusto natin lahat ng Pilipino magdasal para lumabas ang katotohanan kasi marami nabubulag ngayon so yung mga ebidensiya na napapakita ngayon dapat makiuta ng publiko para ang publiko mismo ang magsabi kung ano ang katotohanan at ano yung hindi. Dahil sa panahon ni Pangulong Marcos Jr. hindi ginagawa ang pag cover up walang sinisino sabi nga natin kamag-anak kaigibigan kaalyado kung may makikitang ebidensiya laban sa kanila patungkol sa anumalya dapat itong imbestigahan so kung may nadadamay lamang sabi nila malamang may ebidensiya, so kung wala namang ebidensiya malilinis naman nila ang kanilang mga pangalan. So saby sabay nating o sabayan natin si Mans Carpio sa pagdarasal para sa katotohanan,” pahayag ni USec. Castro.
















