-- Advertisements --

Nagkaroon ng kasunduan ang Pasig City, Marikina City, Western Visayas at Soccksargen na magtutulungan sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang sakuna katulad na lamang ng malakas nas lindol sa Metro Manila o ang kilala din bilang “The Big One”.

Dinaluhan ng mga alkalde ng bawat lungsod at Civil Defense representative ang naging pagpupulong tulad nina Mayor Vico Sotto, Mayor Maan Teodoro, Office of Civil Defense ng region 6 at 12.

Isa sa mga natalakay ang mabilis na pagresponde at deployment ng emergency rescue teams, pagiging pamilyar sa bawat area, kagamitan, logistics at mabillis na koordinasyon pagdating sa post-disaster response.

Isa rin sa mga natalakay ang mga isasagwa at nakaplanong joint exercises, at ilan pang mga hakbangin sa paghahanda.

Nakahanay rin ang nasabing mga plano sa National Harmonized Contingency Plan. Nakapailalim rin sa kasunduan ng dalawang lungsod at dalawang rehiyon na sisiguruhin na magiging two-way ang pagtulong sa isa’t-isa.