-- Advertisements --

Naging maganda ang simula ng Philippine women’s national football team o FILIPINAS sa kampanya nila sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ito ay matapos na magtala ng 1-1 draw laban sa Uzbekistan.

Unang nakapagtala ng goal ang Uzbekistan sa 81 minuto ng laro.

Subalit hindi naman nagtinag ang Filipinas kung saan naipasok ni Natalie Collins ang goal sa ilang minutong natitira sa laro.

Susunod na makakaharap ng Filipinas para sa Group G ay ang Hong Kong na gaganapin sa araw ng Huwebes habang makakaharap nila ang China sa araw ng Lunes.