-- Advertisements --

Nasawi ang tatlong lalaki matapos na sila ay pagbabarilin sa Quezon City.

Isa sa mga biktima ay menor de edad habang ang suspek ay isang miyembro ng Task Force Disiplina.

Nangyari ang insidente sa Senatorial Road ng Barangay Batasan Hills sa Quezon City nitong alas-dos ng madaling araw ng Oktubre 12.

Pawang mga edad 19, 18 at 15-anyos kung saan ang mga ito ay sinita ng suspek na isang miyembro ng Task Force Disiplina.

Base sa nakasaksi sa insidente na sinita sila kung saan matapos na hindi nila pansinin ito ay sinundan pa siya at doon na pinagbabaril.

Sinabi naman ni Lt. Col. Gemmer Tubiera, ang hepe ng Batasan Police station, na bumili lamang ang mga biktima ng kanilang pagkain ng sitahin ng suspek na galing sa inuman.

Naasar umano ang suspek sa mga kabataan kaya niya pinagbabaril ang mga ito.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek matapos ang nangyaring insidente at inihahanda na nila ang kaso laban dito.