Binatikos ni New Masinloc Fishermen Association President Leonardo Cuaresma ang umano’y kabiguan ni VP Sara Duterte na tumindig para sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.
Ayon kay Cuaresma, mistulang hindi masuportahan ng pangalawang pangulo ang pagtindig at pakikipaglaban ng bansa para sa kapakanan ng mga mangingisdang nagagawi sa WPS, kahit pa tuloy-tuloy na inaapi ng Chinese forces ang mga ito, habang nangingisda sa sariling karagatan ng bansa.
Kinuwestyon din ng fisherfolk leader ang umano’y pagpasok ng milyun-milyong pondo mula sa China patungo sa kumpanyang cale88, isa sa mga negosyo na mayroong interest ang pangalawang pangulo.
Para saan aniya ang pumasok na pondo, at hindi rin ito maipaliwanag ni VP Sara?
Tanong ng lider ng mga mangingisda, serbisyo ba para sa mga Pilipino ang ginagawa ng pangalawang pangulo o katrayduran na sa bansa?
Ngayong araw (Oct. 10) ay nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ni Cuaresma upang tutulan ang umano’y mistulang pagsuporta ni VP Sara sa China sa kabila ng mga serye ng harassment na ginagawa ng Chinese forces sa mga Pilipino.
















