-- Advertisements --
Muling inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na handa silang makipagpulong sa grupong True Brown Sytle (TBS) na itinuturong mga groomers na nagtuturo sa mga menor-de edad para gumawa ng krimen.
Ayon kay Remulla na marapat na maging sinsero ang grupo para matuloy ang kanilang pakikipagpulong.
Uunahin niyang pupulungin ang grupo na sa kaniyang bayan sa Cavite.
May inilatag din itong mga kondisyon sa grupo gaya ng pagtigil ng mga ito na kumuha ng mga bata para gawin nilang miyembro.
Magugunitang itinuro ni Remulla ang grupo bilang groomers na siyang nanghihikayat na gumawa ng mga krimen.
















