Ligtas na nakabalik ng Pilipinas ang aabot sa 17 marino na nasangkot sa magkakahiwalay na insidente sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Migrant Workers.
Kasama sa mga nakabalik ang 16 na tripulante ng M/V Kazima III at isa pang tripulante ng M/V Sinbad. Dumating ang mga marino sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Biyernes, Oktubre 9 sakay ng mga magkakahiwalay na flight ng Emirates at Etihad Airways.
Ayon naman sa DMW, na nasira ang dalawang barko nang matamaan ito ng mga hindi pa nakikilalang projectile habang bumabiyahe sa karagatan.
Samantala, inatasan naman ng DMW at OWWA ang ilang mga manning agency na siguruhin na mabigyan ng mga kinakailangang pisikal at mental na pagsusuri ang mga marino. Gayundin din naman ang pagbibigay ng benefist at compensation sa mga Pilipinong marino.
















