-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng pulong ang European Union para talakayin ang immigration crisis sa Spain.

Ayon sa EU na isasagawa ang pagpupulong ng 22 member states sa araw ng Martes.

Ilan sa mga tatalakayin sa pulong ay ang pagpapalakas ng external borders ng EU.

Magugunitang mayroong mahigit 60,000 na mga migrants mula sa Morocco ang nakapasok sa Spain.

Kinondina ng Spain ang makasarili, polarising at hindi makatarungang pagtugon sa krisis ng EU matapos na suspendihin ng Italy ang border-free Schengen arrangement.