-- Advertisements --
Tinanghal bilang World Best Cheese ang isang cheese na dalawang taon na nakatago sa France.
Sa ginanap na ceremony sa Spain kung saan mayroong mahigit 5,000 ang sumali.
Nagkaroon ng matinding labanan ang mga finalists mula sa Italy, Switzerland at Spain.
Ang nagkampeon ay isang 24-month-aged cheese na na itinuturing na nutty,crumbly at deeply complex creation.
Isa sa 14 na judges na si Spanish expert Rafael Domínguez González ang namangha sa nasabing kakaibang uri na keso.
Ang nanalong keso ay gawa sa unpasteurized na gatas ng kalabaw sa Comte region ng France.
Umabot sa 5,330 na mga cheese ang nakilahok mula sa 45 na bansa.
















