Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa Myanmar para mailigtas ang nasa 1,500 na mga Filipino na inaresto dahil as onlince scam hubs doon.
Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. , na kanilang biniberepika ang nasabing ulat at nakikipag-ugnayan sa ibang government agencies.
Dagdag pa nito na kailangan ang agarang atensiyon para malaman kung sila ba ay inaresto na labag sa kanilang kalooban.
Giit pa ng PNP chief na ang responsibilidad ng mga kapulisan para sa proteksyon ng publiko ay hindi nagtatapos lamang sa ating bansa.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na aabot sa 1,500 na mga mangagawang Pinoy ang puwersahang pinagtrabaho sa isang online scam hub sa Myanmar.
















