-- Advertisements --
Lumubog ang Landing Craft Tank (LCT) 8 sa karagatan ng Carrascal, Surigao del Sur noong Nobyembre 10, 2026, dahil sa malakas na hangin at maalon na karagatan, na nagresulta sa oil spill.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng 17 tripulante, kabilang ang kapitan ng barko.
Tinatayang 800 litro ng langis ang tumapon at kumalat sa humigit-kumulang 200 metrong bahagi ng baybayin.
Agad na nag-deploy ang PCG ng oil spill containment booms at absorbent pads. Nakarekober din ang mga tauhan ng 460 litro ng pinaghalong langis at tubig, dagdag ang 170 litro ng oily waste at 390 kilo ng kontaminadong basura noong Nobyembre 11.









