-- Advertisements --

Nasamsam ng Philippine National Police ang mahigit 5,000 ream ng hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng aabot sa P3.5 milyon at naaresto ang isang delivery truck driver sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City, Bukidnon, at Lanao del Sur.

Sa Quezon, Bukidnon, nakumpiska ang mga kahina-hinalang kargamento ng sigarilyo mula sa bodega ng isang courier company sa Barangay Poblacion. Samantala, sa Zamboanga City, naaresto ang isang truck driver matapos madiskubreng walang kinakailangang Graphic Health Warnings ang mga kargang sigarilyo, na posibleng paglabag sa Republic Act No. 10643.

Iniimbestigahan naman ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Lanao del Sur dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Nasa kustodiya na ng mga kinauukulang yunit ang mga nakumpiskang produkto para sa pormal na turnover sa Bureau of Customs.