-- Advertisements --

Apat na wanted person, kabilang ang isang Chinese national, ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon sa Negros Occidental, Cebu, Palawan, at Benguet noong Nobyembre 9, 2026.

Kabilang sa mga nadakip ang No. 3 regional wanted person sa Negros Occidental na nahaharap sa kasong rape of a minor at acts of lasciviousness; No. 10 regional wanted person sa Cebu dahil sa paglabag sa RA 9165; at No. 5 regional wanted person sa Palawan na nahaharap sa maraming kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Samantala, isang Chinese national ang inaresto sa La Trinidad, Benguet dahil sa paglabag sa PD 1096 o National Building Code of the Philippines.