-- Advertisements --
Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Philippine National Police Maritime Group (PNP-MARIG), ang isang pasaherong may dalang pinaghihinalaang ilegal na droga sa Batangas Terminal Port noong Nobyembre 9, 2026.
Nadiskubre ang hinihinalang marijuana, rolling papers, at smoking pipe matapos magbigay ng positibong indikasyon ang dalawang Coast Guard Working Dogs sa isang kahina-hinalang lata na nakita sa isinagawang baggage inspection.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek habang isinasagawa ang karagdagang imbestigasyon kaugnay ng posibleng paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.














