-- Advertisements --
Patuloy ang isinasagawang containment at recovery operations ng Philippine Coast Guard (PCG) laban sa oil spill sa karagatang sakop ng Barangay Ipag, Mariveles, Bataan nitong Nobyembre 6, 2026.
Matapos ang operational briefing, nagdagdag ang PCG ng mga containment equipment at nag-deploy ng absorbent pads at oil booms upang mapigilan ang pagkalat ng natitirang langis at mapadali ang pangongolekta nito.
Batay sa mga awtoridad, nagsimula nang sumailalim sa natural weathering ang natitirang langis, isang prosesong unti-unting tumutulong sa pagkasira at pagkalat nito sa tubig.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng PCG upang matukoy ang pinagmulan at uri ng langis na sangkot sa insidente.












